BUHAY IRREGULAR STUDENT
BUHAY
IRREGULAR STUDENT
Isa ka ba sa mga irregular student noon o ngayon? Kung
ganon naranasan mo na pa lang madismaya, maiwan, bumawi at nag-pursige uli? Ang
pagiging irregular student ay di nalalayo sa pagiging regular student sapagkat
unang-una ‘I’ saka ‘R’ lang naman ang kanilang ipinagkaiba pero isali mo narin
pala ang schedule, section at load ng subjects ngunit tulad ng isang
ordinaryong estudyante iisa lang din ang pinapangarap nila at iyon ay ang
makapaglakad sa intablado suot ang itim na toga na hawak-hawak ang puting
diploma at sabay papalakpakan ng madla. Halika’t
tuklasin natin ang buhay ng isang Irregular student.
Ako si Kada isang solid irregular student labing-siyam
na taong gulang at nasa ikalawang taon na sa kursong Medical Laboratory
Science. Sakto lamang ang tangkad, sakto ang bigat kaya sakto lang din ang
ganda, mabait, matalino, pursigido at tiyak masasamahan ka sa kahit na anong
biro yung tipong “ikaw lang sapat na”. Mag-iilang taon narin nang lumipat ako
mula sa dati kung kursong Psychology. Di ko kasi inasahan na hindi pala
pag-aaral ng isip ang gusto ko pag-eexamine pala ng dugo. Kung kaya’t sa
pagkakataong ito hayaan nyong ibahagi ko sa inyo ang apat na bagay na natutunan
ko sa panahong naging katulong ko ang aking sarili at kasangga ang aking mga
kaklase.
Una, DISMAYA, yan
yung feeling na ginawa mo nang lahat pero di parin pala sapat, Pak Genern! Nadismaya
ako sa sarili ko dahil feeling ko na dismaya ko rin ang aking magulang. Sa
ilang taon ko kasi sa dati kong kurso pinilit kong gustohin sya, pinag-aralan
ko ng mabuti, sa tuwing nag-kukwentuhan ang aking mga kaklase tungkol sa future
job namin nakikisali talaga ako para sakaling ma-inspire ako at gugustohin ko
nalang na ipagpatuloy. Nang isang araw may babaing lumapit sa akin naka-senior
uniform syang puti at may dala-dalang box parang ‘first aid kit’ tapos sabi
niya “gang pwede ko mangayog dugo sa imu?” napaisip ako sandali siguro medical
student itong si ate, nakakahiya naman kung tatangi ako kawawa din kasi yung
mukha niya para bang dugo ko na lamang ang tanging paraan para maisalba ang
kanyang pamilya. #DUGO BAYANI KA. Ewan
ko pero parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya iba yung feeling. Matapos
noon, humagilap ako ng mga impormasyon sa social media, tumingin-tingin ng mga
videos tungkol sa pagiging Medtech. Tuloyan na talaga akong nawalan ng gana sa
dati kong kurso, hindi nako nag-eexcel kaya minabuti ko nalang kausapin ang
aking magulang dahil mukhang napapasin narin nila. Sinabi kong lahat-lahat pati
ang pag-memedtech. Buong akala ko ay papagalitan ako, titira sa nalang sa bangketa,
manglilimos at na di makakain ng “Burger with Fries”. Pero nagkamali ako kinausap
ako ng magulang ko at tinulungang maasikaso ang lahat. Hindi pala sapat na
gusto mo lang yung isang bagay dapat mahal mo, kasi pwede mo namang gustohin
ang lahat, pero di lahat pwede mong mahalin.
Pangalawa, Maiwan. Ayan nag simula na ang pagiging
irregular student ko, masaya ako dahil sa wakas gagawin ko na ang nakikita ko
lang sa iba noon. Unang salang ko palang sa bago kong kurso parang hindi pala
madali, subalit ginaganahan parin akong mag-aral, iba din kasing sayang hatid
ng aking mga kaklase. Ngunit lahat pala nang kasiyahan ay may hangganan.
Madalas kasi naiiwan ka sa mga announcement, nakakalimutan kang itext o
ma-inform man lang. Kailangan mo ding ipagkasya ang time sa tuwing mag
mamake-up class sa ibang subject, minsan nga yung malapit kana sa inyu ilang
lakaran nalang saka pa darating ang magandang balita na may make-up class kayo,
kaya syempre mabait kang bata kaya di kana lang a-attend.
Pangatlo, Bumawi. Syempre bilang magandang estudyante
tungkulin natin na hindi sumuko sa kahit na anong pagsubok dapat LABAN LANG!
tanggapin nang buong-buo ang pagkakamali at hayaan ang sariling magsimula uli
gumawa nang mga solusyon at gawing aral ang bawat nangyari sa nakaraan. Tulad
ko dahil lagi akong nalalate sa mga announcements hiningi ko nalang number
nilang lahat, nakaka-free panghokage ka pa, O diba ayos?. Kung hindi na kasya
sa phone mo ang mga number nila e-erase mo nalang number nang
boyfriend/girlfriend mo sabagay memorize mo naman yan. Ugaliin ding makinig sa
bawat anunsyo at mag tanong sa mismong nag-aanunsyo upang sa ganon tiyak ang
impormasyong nakarating sa iyo.
Panghuli, Pursige. Sa English “persevere” yan yung, ilan
mang sakit ang idulot nya sayo, maka-ilang beses mang deadmahin niya lahat ng
effort mo at iparamdam na wala kang halaga, andyan ka parin handang ipaglaban
sya. “Keep the fire burning” yan yong
parati kong naririnig na pang-encourage nang mga guro. Bilang isang irregular student, pinapanatili
kong positibo ang lahat iniisip ko kung sino ang inspirasyon ko at kong ano ang
rason bakit ginagawa ko itong lahat. Kapag pursigido ka kasi dyan mo malalaman
kung ano ang sukat ng lakas mo kung gaano ka lakas ang tiwala mo sa Diyos at sa
iyong sarili. At sa panghuli pag pursigido ka, alam mong may mararating ka.
Kaya kung irregular student ka man ngayon o simula pa
noon, wag kang mabahala andyan naman ang iyong pamilya na todo ang suporta, mga
kaklaseng di man halata pero nag-cacare yan sila at higit sa lahat ang panginoon
na palagi mong kasama sa laban. Kaya kung may kakilala man kayong irregular
students tulungan natin silang wag malunod sa dismaya, wag maiwan, hayaang
bumawi at mag pursige uli. At hayaan nyong gawin nating lima ang mga karanasan
ng isang irregular student at yun ay:
“Nadismaya, Naiwan, Bumawi, Nag-pursige at Nakapagtapos”.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento